Skip to main content

Posts

4 Signs na Ayaw Sayo ng Crush Mo (At ang mga Pwede mong Gawin)

Medyo ouch. Baka crush mo siya tapos ayaw niya pala sayo? Parang third law of motion lang ni Isaac Newton: "For every action, there is an equal and opposite reaction." Mga feelings na hindi nasuklian. One-sided love...

5 Ways Para Mapakita Mo sa Kanya na Mahal Mo Siya

Iba iba ang style natin sa pagpapakita ng pag-ibig sa ibang tao. Yung iba, gumagawa ng tula. May nanglilibre ng date sa Star City. Yung iba nanglilibre sa eat-all-you-can.
Ano nga ba ang effective na paraan para maiparamdam mo sa kanya ang iyong love? Giving Gifts

Siguro isa na sa mga pinakabasic na paraan para magpakita ng love ay ang pagbibigay ng regalo, lalo na yung mga lalaki. Kahit simpleng bagay lang tulad ng keychain or flower ay makakapagpasaya ng kahit na sinong tao, lalo na kung unexpected at very thoughtful.
Siyempre wag naman nating isipin na pagiging materialistic ang pagbibigay at pagtanggap ng regalo, kasi it's the thought that counts. Kapag kilala ka na niya ay alam na niya kung ano bang mga bagay ang gusto mo.
Sa ibang banda, alam mo rin kapag hindi napag-isipan o tila meaningless naman ang isang regalo sayo (na medyo masakit. Aminin). Lahat ng gift ay may kaunting sacrifice, kaya naman masarap sa feeling kapag alam mo na may kayang magsacrifice para mapasaya ka…

5 More Signs: Paano Mo Malalaman Kung May Crush Sayo ang Isang Tao

Gumawa na ako ng part 1 nito pero mukhang marami pa ring natirang signs kung paano mo malalaman kung crush ka ng isang tao. Marami pa ring nalilito at hindi sigurado. Ano pa ba ang pwedeng gawin kundi ang sumulat ng isa pang article?
Siguro ay nagtatanong ka pa din kung may gusto ba siya sayo o nagaassume ka lang. Sa kakaisip mo tuloy parang ikaw na ang nafa-fall sa kanya (reverse psychology nga naman).
Kung kulang pa sayo ang 9 Medyo Obvious Signs para malaman kung may pagtingin ba siya sayo, 
Dahil dyan, nag-observe pa ulit ako ng mga patagong “signals” kapag nagpapakita ng interest ang isang tao. Ready ka na ba? Hinga muna ng malalim.

5 More Signs 1. Nakiki-duet Try mong kumanta. Pwedeng yung mga uso ngayon, pero mas maganda kung yung mga kapanahunan pa ng Eraserheads. Kapag sinabayan ka kasi niya sa pagkanta, ibig sabihin ay nagtutugma ang mga isip niyo, o gusto niya i-match ang iniisip niya sa iniisip mo. 
In short, gusto niyang maging magkatulad kayo. Kapag bigla na lang niyang…

Bakit May Mga Taong Tumatagal Sa Isang Abusive o Unhappy Relationship

Natural lang ang maghangad ng isang mahabang relasyon. Kapag meron kang partner na masayang kasama, diba gugustuhin mo na makasama siya ng matagal?
Gumawa pa nga ako ng post at nagbigay ng tips kung paano gagawing masaya at mahaba ang isang relationship.
Sa kabilang banda naman, merong mga relasyon na matagal nga, pero hindi naman maganda ang quality. 
Kumbaga ay 'abusive' or 'toxic' relationship. Yung kada makalawa, may bagong maliit na pinagaawayan, tapos imbis na pagusapan eh tatakutin ka ng hihiwalayan ka. Tapos ikaw na nga ang inaway, ikaw pa magsosorry.
O kaya naman ay may nangyayaring physical o verbal abuse. Pwede rin namang sinasakal ka at pinagbabawalan na gawin ang mga gusto mo at makipagkita sa ibang tao. Pero kahit ganun eh sinusunod mo pa rin siya na parang isang bulag.
Minsan may mga tao na ganyan. Yung hirap na at nasasaktan pero nagpapakamartyr pa din, hindi naman nakakatulong sa ekonomiya.


Eto daw ang ilan sa mga dahilan kung:  Bakit May Mga Hindi Bu…

9 Medyo Obvious Signs na Crush ka ng Isang Lalaki o Babae

Sobrang normal lang sa tao ang pagkakaroon ng crush, at siguro ay ito na rin ang isa sa mga pinakakakaibang feelings sa mundo. Hindi mo alam ang gagawin kapag nakikita mo siya. Nabubulol ka o pumipiyok kapag naguusap kayo. Susulat ka ng mga tula at kanta kapag nakita mo na "in a relationship" na pala siya sa FB.

Texting 101: Mga Dapat Gawin at Iwasan Kapag Katext mo si Crush

Nakakakaba talaga lagi kapag first time mo pa lang na makakausap ang crush mo sa text. Hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo sa kanya, at natatakot ka rin na baka hindi siya magreply sayo.
Sobrang dali din na ma-carried away ka kapag kausap mo siya kasi hindi kayo magkasama. Mas malakas ang loob mo. Minsan kung ano ano ang masasabi mo.
Pero merong mga rules, mga guidelines na pwede mong sundan para hindi naman maging total disaster ang mga unang paguusap niyo ng crush mo sa text or chat. Tapos na ang hard part, which is ang makuha ang number niya. Ngayon, kailangan mo na lang gumawa ng interesting conversation para magstart ang pagkakadevelopan niyo.
Eto ang mga tips para maging interested si crush sa usapan niyo sa text o chat. 1. Wag Kang Unli
Kapag nagtext ka sa kanya at hindi siya nagreply, wag mo siyang I-FLOOD. Nakakainis yun at baka hindi na talaga siya magreply sayo foreva. Lalo na kung hindi naman importante ang gusto mong pag-usapan niyo. Hintayin mo muna na sumagot siya …

Love Letter: Nagconfess Sakin si Crush Kahit May Girlfriend na Siya

Good rainy day ladies and gents. Wala pang one month ang Kilig Super pero mukhang medyo dumarami na ang nakakabasa dito.
Sa katunayan, last week ay meron nang nag-email para humingi ng advice sa situation niya ngayon na may kinalaman sa love life. Itago natin sa pangalang "Sandy" para mas malakas maka-MMK.
Romance in the workplace. Yun nga lang, may problema dahil hindi sila parehong single. Umamin ng feelings sa kanya si guy, pero may girlfriend na pala ito? Hindi sure ang sender sa dapat niyang gawin lalo pa at attracted din siya dun sa guy.
Dahil sa tingin ko ay relatable naman ang story ni Sandy (at mukhang may sense naman ang advice ko sa kanya na pwedeng makatulong sa iba), humingi ako ng permiso para i-post ang kanyang kwento. Dear Kilig Super Hi.
Salamat sa pagreply. Common naman na 'tong kwento ko pero sana basahin mo pa rin kahit medyo boring.
Kaworkmate ko siya. Hindi ko naman kasi crush nung una kasi parang paMen siya ehh..at dahil may finofollow up ako sa k…