Skip to main content

9 Medyo Obvious Signs na Crush ka ng Isang Lalaki o Babae

Sobrang normal lang sa tao ang pagkakaroon ng crush, at siguro ay ito na rin ang isa sa mga pinakakakaibang feelings sa mundo. Hindi mo alam ang gagawin kapag nakikita mo siya. Nabubulol ka o pumipiyok kapag naguusap kayo. Susulat ka ng mga tula at kanta kapag nakita mo na "in a relationship" na pala siya sa FB.

Pero kung sakaling pareho kayong single at ready to make landi, dyan na papasok ang confusion. May meaning ba ang kindat niya na yun? Kapag tinatawag niya ba ko lagi, sign ba yun na hindi ito one-way love? Ano ba talaga ang mga signs na crush ka din niya?!

Kalmahin mo ang iyong hinaharap.

So, paano nga ba malalaman na may crush sayo ang isang tao? Actually madali lang naman mahalata kung hindi ka 100% manhid at marunong ka magobserve sa paligid mo. Isa akong taong curious sa nangyayari sa paligid, at sa isang classroom or workplace, nalalaman ko kung sino ang may crush kanino.

signs na crush ka ng lalaki o babae

Ang Mga Obvious na Signs

1. Paghingi ng number at pagtanong kung may jowa ka na

Eto na siguro ang nakow! Pinakaobvious na sign sa lahat. Pickup line na lang ang kulang. Kapag may gusto sayo ang isang tao, ang isa sa mga unang itatanong niya ay kung may boyfriend o girlfriend ka na ba. Ayaw niya kasing magaksaya ng panahon na suyuin ka kung hindi ka pa naman pala available. 

Kung wala ka namang jowa, sunod na niyang hihingin ang number or FB mo para mas makapag-usap pa kayo. Baka bumanat pa yan ng "gusto kasi kitang maging friend" pero ang totoo may gusto lang sayo yan. Kasi kung gusto mo siyang maging friend, hindi mo na yun kailangan sabihin, basta makikipagkaibigan ka na lang.

2. Kapag nagaayos siya ng sarili kapag nasa paligid ka

Ito naman, medyo nakakaconfuse kasi baka natural lang pala na ma-hygiene yung tao. Pero kung kunyari, tuwing lalapit ka eh inaayos niya yung buhok niya o yung kwelyo ng damit niya, sign yun na attracted siya sayo.

Siyempre gusto niyang mapansin mo siya kaya gotta look your best diba. Kahit ikaw naman siguro, magpapakita ka ba sa crush mo kung dugyot ka?

3. Body language

May pinagkaiba din ang body language ng taong iniisip na napakaganda mo at yung taong walang pake sayo. Kapag maguusap kayo, nakaharap ang buong katawan niya sayo, hindi nakakrus ang kamay o paa niya, at medyo lumalapit siya sayo. Baka nga nagkukunyari pa yan na hindi ka naririnig para may excuse siya na ilapit sayo yung tenga niya eh.

grabeng titig ni crush

4. Eye contact

Sabi nila, ang taong hindi makatingin ng mata sa mata ay nagsisinungaling. Ganun din ang isang sign kapag may gusto sayo ang isang lalaki o babae. Siyempre tinatago niya sayo ang feelings niya kailangan umiwas ng titig ng very light. Ganun kapag torpe o shy-type siya.

Kung siya naman yung tipong confident na tao, hindi ka niya titingnan ng mata sa mata 100% of the time pero hindi aalis ang titig niya sa mukha mo. Siguro titingin siya sa mata mo, tapos sa ilong naman, tapos sa bibig. Mga ganung galawan. Sign yun na gandang ganda siya o gwapong gwapo sa nakikita niya.

Kung mala-iPhone ka naman at kaya mong i-scan ang iris niya, pwede mo ring i-check ang itim na bilog sa gitna ng mata niya. Kapag lumalaki yun, sign siya ng attraction.

5. Lagi kang sinusulyapan

Ladies ang gentlemen, oo at sign nga ang pagsulyap sa pagkakaroon ng crush pero wag tayong magaassume base lang dito. Sa unang beses kasi na mahuhuli mo siya na sinusulyapan ka, isa lang yung coincidence. Nagkataon lang. Kung mahuli mo ulit siya na sumusulyap, curious lang yun kung magkakatinginan ulit kayo, pero hindi pa rin yun matibay na ebidensya.

Pero sa pangatlong beses na mahuli ka niya. Ay day, kiligin ka na! (Para dun naman sa taong tumititig, wag naman masyadong pahalata ser).

6. Importante ang opinions mo

Minsan yan din ang problema kapag may crush ka sa isang tao. Kahit gaano kapalpak yung sinasabi niya ay wala kang magawa kundi mag-agree sa kanya na parang isang tunay na tanga sa pagibig...

Anyway, back to obvious signs na crush ka ng isang tao.

Kunyari nakatayo lang siya, tapos dalawa kayong sabay na nagapproach sa kanya, mas uunahin o mas ipaprioritize niya ang concern mo. Kapag nanghihingi siya ng feedback sa isang bagay, mas interesado siya sa mga sinasabi mo. Nag-aaggree lang siya kahit binabarbero mo na siya. Oo lang siya ng oo ngayon para pagdating ng panahon, oo din ang sagot mo sa kanya.

Kapag meron naman siyang sinasabi o dini-discuss, madalas ay sayo siya titingin para malaman niya ang reaction mo sa mga pinagsasabi niya. Gusto niyang malaman na nakikinig ka rin sa kanya, at naiimpress.

7. Pacute na trashtalk 

Sino ba naman ang magaakala na ang pangiinsulto pala ay isa ding paraan ng pakikipag-flirt? Hindi naman yung mga grabeng insulto na akala mo pini-fliptop ka na, pero yung mga cute na pangaasar ay isang teknik para magpakita ng interest.

Siyempre kapag inaasar ka niya, nakakakuha siya ng reaction mula sayo o kaya nagiging conversation starter yun. Minsan din aasarin ka niya to the point na hahampasin o kukurutin mo siya. Yan ang isa sa mga gustong gusto ng lalaki, ang sinasaktan ng crush nila. Tawag nila dyan, mga "hampas at kurot ng pagibig." 

8. Ikaw ang pangunahing hingian ng saklolo

Eto naman, kaya din siguro ginagawa ng mga taong umiibig ay dahil madalas epektib din para mapansin ng crush nila.

Kapag laging nagpapatulong sayo ang isang tao kahit sa bagay na hindi ka naman magaling o sa bagay na kaya naman niyang gawin magisa, sign yun na gusto ka niyang makabonding. Kasi nga may crush siya sayo.

Pwedeng excuse yun para bigyan ka ng mga gifts. Kasi nagpatulong siya sayo. Edi may utang na loob siya. Aalukin ka niyan ng libreng drinks or meal, tapos kunyari "as a way of saying thanks" pero ang totoo galawang marino/marina lang talaga. Ingat kayo sa mga ganyang galawan.

9. Kinakausap ka ng mga friends niya (na hindi mo naman kakilala)

Ang tunay na tropa, laging nandyan para tumulong sa pagibig. Kung hindi ka kayang kausapin ng diretso ng isang tao dahil sa feelings, asahan mo na ang mga kaibigan niya na lang ang lalapit sayo para magsilbing tulay.

Kaya balikan mo ang sign number 1, kung saan may magtatanong sayo kung may jowa ka na ba sabay hingi ng number mo. Baka kasi hindi naman pala siya mismo ang may gusto sayo, kundi yung kakilala niya.

Kahit hindi ka mismo i-approach eh? Kahit kunyari dadaan ka lang sa harap ng grupo nila, baka mapansin mo na may isang tao na parang tinitingnan nilang magkakagrupo tapos parang inaasar. Bantayan mo ang tao na yun kasi baka may gusto siya sayo.

Wag Masyadong Mabilis sa Pag-assume

May mga tao na natural na sweet, na hindi nila alam nabibigyan na pala ng malisya ang mga kilos nila. May mga tao din na sadyang paflirt lang kahit wala naman talaga silang feelings na nararamdaman. Dapat maging maingat, at dapat wag bias.

Kapag may gusto kasi tayo sa isang tao, minsan ay tayo na mismo ang naghahanap ng mga signs kahit wala naman. 

Minsan din naman, naghihinala tayo na may gusto satin ang isang tao. Kakaisip mo sa mga kilos niya, ikaw na mismo ang nagkaroon ng crush sa kaniya. Hanep diba?

Kapag isa o dalawang signs lang sa mga nabanggit ang napapansin mo, hindi pa yun sapat para sabihin for sure na may gusto nga sayo ang isang tao. Pero kung mga 4 and above, aba, hintay hintay na lang ng kaunti at magkakaalaman din kayo in the near future!

Ikaw, may mga signs ka ba na napapansin pero hindi ka pa rin sure kung crush ka niya? Share mo ang mga experiences mo sa comments at pwede nating pagusapan yan!

At kung kulang pa sayo ang 9, dagdagan pa natin ng 5 more signs!

Like my page: https://www.facebook.com/kiligsuper
Follow me on Twitter: https://twitter.com/kiligsuper
I also have Instagram: https://www.instagram.com/kiligsuper/

Comments

Popular posts from this blog

Mga Topics na Magandang Pagusapan Pag Kasama si Crush (Iwas-Tameme)

Sino ba diyan ang hindi alam ang topic na magandang pagusapan kapag kaharap na ang crush nila?
Sino ba dyan ang namimilipit ang dila kapag kaharap ang isang napakagwapo o napakagandang nilalang?

Ano ang Totoong Ibig Sabihin Kapag Napapanaginipan mo ang Crush mo

Naranasan mo na rin naman siguro ang panaginip na kasama mo si crush. Yung tipo na ayaw mo nang magising. Yung tipong pagkagising mo parang gusto mo na lang matulog ulit, baka kasi tumuloy panaginip mo.