Skip to main content

Mga Topics na Magandang Pagusapan Pag Kasama si Crush (Iwas-Tameme)


Sino ba diyan ang hindi alam ang topic na magandang pagusapan kapag kaharap na ang crush nila?

Sino ba dyan ang namimilipit ang dila kapag kaharap ang isang napakagwapo o napakagandang nilalang?

Ayon sa psychology, natural na magkandamali-mali ang isang tao sa kanyang kilos at salita kapag nasa presensiya ng isang attractive na tao. Kahit ang mga pinakamadaldal ay tumatameme kapag kasama nila ang crush nila.

Pero syempre, ano na lang ang iisipin niya kung tutunganga ka lang kasama siya diba? Kailangan mo siyang kausapin. This is the first step to forever.

shy type mahiyain na tao torpe tameme

Kung hindi ka sanay, o hindi mo alam ang sasabihin sa kanya, may mga pwedeng topics ka na pwedeng i-open up na siguradong makakapag-usap kayo ng tuloy tuloy, at nang walang awkward moments.

Eto ang ilang mga tips kung ano ang pwedeng pagusapan kapag kasama si special someone:

+Pagusapan niyo ang mga hobbies niyo


Ang passion, ang bagay na nagbibigay buhay sa isang tao, ay sobrang daling pagusapan kahit sino pa ang kausap.

Itanong mo sa crush mo kung ano ang hobby niya, mga hilig niyang gawin sa free time niya, at makinig ka lang habang kinikwento na niya ang buhay niya habang kumikislap ang mga mata.

Isa nga pala ang hobbies sa mga laging itinatanong sa mga job interview kasi una, gusto nilang malaman kung ano ang pinagkakaabalahan mo kapag di ka nagtatrabaho at pangalawa, gusto nilang malaman kung gaano ka kagaling makipag-usap. Astig diba?

Makinig ka lang ng mabuti, at i-try mong magfollow-up questions para maramdaman niya na interested ka nga sa sinasabi niya:
  • Kung mahilig siya sa sports - Pwede mong itanong kung meron ba siyang formal training o for fun lang talaga. Kung active sport gaya ng basketball or volleyball, itanong mo kung na-injured na ba siya, o kaya ay ipakwento kung may intense/highly competitive match na siyang naexperience. Kung sport na medyo hindi sikat, gaya ng sepak takraw, o kaya yung mga panghenyo gaya ng chess, pwede mong itanong kung paano sila nagumpisang mahilig sa ganun. (Kung matapang ka, pwede mong itanong kung pwede bang magpaturo ng sport na yun. Pero pa-joke lang)
  • Kung mahilig siya sa video games - Medyo normal to para sa boys (salamat, DotA), pero kahit wala kang alam sa video games ay pwede mo pa ring itanong kung anong klase ng video games ang nilalaro nila. Fighting games ba? Racing? Adventure? NBA 2k..? Ang isang tanong na hindi ka magkakamali ay, kung sino ang favorite character nila sa game at bakit. Kung babae na mahilig sa video games, pwede mo ring itanong kung sino ang naginfluence sa kanila, lalo na at hindi uso sa mga pinay ang bidyo geyms.
video game hobby ng lalaki
  • Kung mahilig siya magbasa - Madali na ang mga follow-up questions dito. Sino ang favorite author, anong genre ng libro, title na pinakamabilis na natapos, unang series na nabasa, life-changing books, libro na hindi siya agree, libro na gusto niyang baguhin ang ending, libro na pinakanakarelate siya... Sa sobrang dami nakakatamad na i-type :P
  • Kung mahilig siya magtravel - Ang mga tao na mahilig magtravel ay mahilig sa mystery at sa feeling of discovery. Mahilig ba ang crush mo sa malls, o sa mga natural tourist spots? Ano ang pinakamalayo niyang napuntahan, o kaya ay ano ang pinakamagastos. Ano ang pinaka-memorable o kaya naman ay kung ano ang pinakadisappointing. Pwede mong itanong kung anong lugar ang binabalik-balikan niya at kung bakit.
  • Kung mahilig siya magsulat, magpaint, or anything creative - Pwede mong i-request kung pwede bang makita ang mga early works nila. Nafa-flatter ang mga creative na tao kapag nalaman nila na may gustong makakita ng mga pinagaksayahan nila ng oras. Pwede mo ring itanong kung sino ang first tapos ang greatest current influence nila sa ginagawa nila. At gaya ng sa sports, kung pwede bang magpaturo.
NOTE: Wag mong sasabihin na parehas pala kayo ng hobby para lang magpa-impress. Kasi pwedeng tanungin ka rin niya tungkol dun, at baka mapahiya ka kapag nahuli ka na nag-iimbento lang. LALONG WAG mo ring ibabash ang babanggitin nila na hobby; instant turn-off yun. Magmumukha kang evil sa paningin niya.

Kung gusto mo namang magkwento ng hobby mo, antayin mo muna siyang makatapos, o mas mabuti, antayin mo na siya ang unang magtanong tungkol sa hobby mo. Makikita mo rin kung gaano siya kainterested sayo sa pagfollow-up questions niya.

+Pagusapan niyo ang current events

'Matic na to kung events coordinator or journalist pala ang crush mo.

Kung hindi pa kayo ganun kaclose, ito ang pagsisimulan ng mga small talk niyo. Sa pag-uusap niyo ng mga nangyayari ngayon sa paligid eh malalaman mo rin kung puro sarili lang ba ang iniisip niya o may paki rin siya sa iba.

aldub

  • Project or collaboration - Kung nasa school kayo or nasa office setting, eh malamang na ito ang pinakamadalas niyo na mapag-uusapan. Ano ba ang mga status ng projects na ginagawa niyo, may mga pinapagawa ba ang nakakataas, or mga interesting na kaganapan o events sa school o office.
  • Mga sikat na movies or events - Pwede mong tanungin si crush kung may inaabangan ba siya o may showing na movie na interested siyang panuorin. Kung interested ka sa same movie na sinabi niya, pwede mo siyang yayain pero wag ka namang pa-obvious na may gusto ka. Yayain mo siya as a friend, tapos kung tumanggi siya, wag kang malungkot lalo na sa harap niya. Maganda kung horror movie ang pag-usapan niyo, dahil horror ang pinaka-effective na movie genre para madevelop ang magkasamang nanunuod. Kaya nga walang dalawang lalaki na nanunuod ng horror eh. Bromance!
  • Light News - Mag-stick ka sa news na talagang trending, at wag yung mga medyo nakakadepress gaya ng mga patayan o kaya ay pagtaas ng presyo ng langis. Pagusapan niyo yung mga bagong lalabas na gadgets, o kaya mga bagong nauuso na slang or dance craze.

NOTE: Umiwas sa mga current events na involved ang kakilala nila dahil pwedeng may masabi ka na offensive para sa kanila. Umiwas din sa mga discussion na medyo related sa politics or religion, dahil ang mga opinions sa dalawang topics na ito, ay kayang sumira kahit ng mga pinakamatitibay na pagkakaibigan.

+Pagusapan niyo ang past/future niyo

Kapag medyo close na kayo ng kinababaliwan mo, pwede na kayong mag-open up ng mga mas personal na bagay sa isa't isa. Pwede kang magkwento tungkol sa isang nakakatawang nangyari sa buhay mo nung bata ka, o kaya isang experience kung saan nakapulot ka ng matinong aral.

Lahat naman siguro tayo ay nagkaroon ng childhood; meron at meron kang ikekwento na makakarelate siya. Kapag nafeel niya na nagiging open ka sa kanya, magiging open din siya sayo basta wag kang judgmental.

Wag mo na lang siguro ikwento yung one time na nasuka ka sa kasal ng barkada mo kasi medyo eww na yun.
nagsuka sa kasal

Sa future naman, ang ibig kong sabihin dito ay kung ano ang mga plano niya sa hinaharap. Ano ang balak niyang career path, o kaya ay mga plans abroad. Madalas ay nahihiya ang mga tao sa topic na to, dahil na rin hindi sila sigurado kung ano ba talaga ang gusto nilang gawin sa buhay nila. Kaya naman kung mapapakwento mo siya tungkol dito, it's a good sign! Malay mo, maimagine pa niya na kasama ka niya sa future?

Pwede mo siyang tanungin sa mga dreams and aspirations niya, at syempre ay i-encourage mo siya ng very light. Malay mo, ikaw pa pala ang makapagiimpluwensiya sa future niya, at pag nangyari yun, may titibok sa dibdib niya for sure.

NOTE: Wag mo siyang diktahan, kasi baka makulitan siya sayo at maisip na, "ha? hu u para sabihan ako ng ganyan?" At wag mo rin siyang pilitin na ibunyag ang isang past experience niya kung ayaw niya talaga.

+Iba pang tips

talking love quote

Sabi nila, maiiwasan ang sakuna kapag handa ka. Pero sa pakikipag-usap kay crush, mabuti kung maghahanda ka lang ng onti tapos puro on the spot na yung iba. Kung paghahandaan mo kasi lahat, mamemental block ka lang at matatameme. Mas sincere ang usapan kung hindi scripted, at mas mapapakita mo ang interest mo kung hindi ka masyadong magpeprepare.

Be yourself! Mabuti nang magpakatotoo ka sa umpisa pa lang kesa magpanggap ka ng hindi mo naman mapapanindigan. Kung makakadevelop siya ng interest sayo sa kung ano ka talaga, mas magiging meaningful ang inyong possible relationship, mapa-friendship man ito o something more.

Kapag may gusto tayo sa isang tao, ang tendency ay mabulag tayo sa mga negative sa kanya at ang mapansin lang natin ay ang mga positive. Pero mas maganda kung mabibigyan mo pa rin siya ng constructive criticism. Mas sincere ang dating mo dahil tinutulungan mo siya na maging mas mabuting tao.

Yan ang mga ilang tips ko sa inyo kung paano ba makipagusap sa taong laging loitering sa utak niyo. Although hindi naman garantisado na madedevelop kayo sa isa't isa, at least hindi ka na parang bato kapag nasa harapan ng crush mo. Ikaw, may mga tips ka pa ba na pwedeng i-share? Comment sa baba!

Like my page: https://www.facebook.com/kiligsuper
Follow me on Twitter: https://twitter.com/kiligsuper
I also have Instagram: https://www.instagram.com/kiligsuper/

Comments

Popular posts from this blog

9 Medyo Obvious Signs na Crush ka ng Isang Lalaki o Babae

Sobrang normal lang sa tao ang pagkakaroon ng crush, at siguro ay ito na rin ang isa sa mga pinakakakaibang feelings sa mundo. Hindi mo alam ang gagawin kapag nakikita mo siya. Nabubulol ka o pumipiyok kapag naguusap kayo. Susulat ka ng mga tula at kanta kapag nakita mo na "in a relationship" na pala siya sa FB.

Ano ang Totoong Ibig Sabihin Kapag Napapanaginipan mo ang Crush mo

Naranasan mo na rin naman siguro ang panaginip na kasama mo si crush. Yung tipo na ayaw mo nang magising. Yung tipong pagkagising mo parang gusto mo na lang matulog ulit, baka kasi tumuloy panaginip mo.